Ruth Handler
Ruth Handler | |
|---|---|
Handler in 1961 | |
| Kapanganakan | Ruth Marianna Mosko 4 Nobyembre 1916 Denver, Colorado, U.S. |
| Kamatayan | 27 Abril 2002 (edad 85)[1] Los Angeles, California, U.S. |
| Trabaho | President of Mattel (1945–1975) |
| Kilalang gawa | Barbie |
| Asawa | Elliot Handler (k. 1938) |
| Anak | 2, including Kenneth |
Si Ruth Marianna Handler (ipinanganak na Mosko; Nobyembre 4, 1916 – Abril 27, 2002) ay isang Amerikanang negosyante at imbentor. Pinakakilala siya bilang lumikha ng manikang Barbie noong 1959 at bilang isa sa mga nagtatag ng kumpanyang gumagawa ng laruan na Mattel kasama ng kaniyang asawang si Elliot. Nagsilbi rin siyang unang presidente ng kompanya mula 1945 hanggang 1975. [2] [3]
Napilitan ang mag-asawang Handler na magbitiw sa Mattel noong 1975 matapos imbestigahan ng Securities and Exchange Commission ang kompanya dahil sa pekeng dokumentong pinansyal.[3] [4]
Muling nabigyang-diin ang kaniyang pagkatao sa pelikulang Barbie noong 2023..
Kabataan at Maagang buhay
[baguhin | baguhin ang wikitext]Si Ruth Marianna Mosko ay ipinanganak noong Nobyembre 4, 1916 sa Denver, Colorado, mula sa mga Hundyo na Polish-Jewish na imigrante na sina Jacob Moskowicz, isang panday, at Ida Moskowicz (ipinanganak na Rubenstein). Siya ang bunso sa sampung magkakapatid. Noong siya’y anim na buwang gulang, ipinadala siya ng kaniyang mga magulang upang manirahan sa kaniyang nakatatandang kapatid na si Sarah. Nanatili siya kay Sarah hanggang siya ay labing-siyam na taong gulang, at doon niya nadebelop ang interes sa negosyo sa pamamagitan ng pagtatrabaho sa drugstore/soda fountain ni Sarah. [5] [2] [3][3] [3] [3]
Noong 1932, umibig si Ruth kay Izzy Handler, isang estudyanteng artista. Sa tag-init ng kaniyang ikalawang taon sa University of Denver, pumunta siya sa Los Angeles at nakahanap ng trabaho sa Paramount Studio. Ikinasal sina Ruth at Izzy noong 1938 sa Denver. Nang bumalik sila sa California, hinikayat ni Ruth ang kaniyang asawa na gamitin ang kaniyang gitnang pangalan, Elliot. Nagbalik si Ruth sa trabaho sa Paramount at si Elliot naman ay nagtrabaho bilang taga-disenyo ng mga ilaw [3].[3]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Kershaw, Sarah (April 29, 2002). "Ruth Handler, Whose Barbie Gave Dolls Curves, Dies at 85". The New York Times. Nakuha noong June 12, 2015.
- ↑ 2.0 2.1 "Ruth Handler, Barbie Doll Invention". Famous Women Inventors. Nakuha noong January 23, 2017. Maling banggit (Invalid na
<ref>tag; maraming beses na binigyang-kahulugan ang pangalang "FWI" na may iba't ibang nilalaman); $2 - ↑ 3.0 3.1 3.2 3.3 3.4 3.5 3.6 3.7 Altman, Julie (March 20, 2009). "Ruth Mosko Handler". Jewish Women's Archive. Nakuha noong January 7, 2015. Maling banggit (Invalid na
<ref>tag; maraming beses na binigyang-kahulugan ang pangalang "JWA" na may iba't ibang nilalaman); $2 - ↑ Castellitto, Linda M. (February 22, 2009). "Scandal tainted long career of Barbie's creator". ABC News (sa wikang Ingles). Nakuha noong July 6, 2023.
- ↑ "Collection: Papers of Ruth Handler, 1931-2002". HOLLIS Archives. Harvard University Press. Nakuha noong July 23, 2015.